11.01.2007

Bote, Bote Paano Ka Ginawa

bata, bata
paano ka ginawa?

tanong mo sa nanay at tatay kong
parehong walang magawa

bata, bata
galit ka ba?

sino naman ang matutuwa
sa buhay na isang kahig, isang tuka

bata, bata
saan ka tutungo?

ewan ko
tsaka
ano bang paki mo
matutulungan mo ba ako?

No comments: